Ako po si Carmela. Tinatawag ring Carms, Carmie, Carmela de Boracay, Mela, Melai, Jhem, Neneng, Ate, Taba at Psst. Hahaha. Labing pitong taon ko ng nirarampa ang kagandahan ko sa mundo, pero hindi ata appreciated ng ibang tao. Haha. Pinanganak ako sa awesome Republic of the Pilipinas, pero naging teenager na sa ibang bansa. Pinabalik ako ng bansang sinilangan dahil pasaway na raw ako dun. Ako’y isang college freshman for the second time. Kung mag th’third pa, mag c’call center agent nalang ako. Haha. Nursing dati. Di ‘ko keri. BSPT na ‘ko ngayon. Bachelor of Science in Playing Tennis. Haha. Ang corny. Joke yan ng kaibigan ko.
Physically, sagana ako sa pagkain :) hindi rin ako masyadong matangkad. Hindi ako kaputian, hindi rin kaitiman. Buhok ko lang ata ang nagpapamukha sa’king tao. Hahaha. At pang Filipino ang ilong ko.
Mataray ang LAGING first impression sa’kin. LAGI. Pero kadalasan ang katarayan ko for show lang. Lalo na kapag nahihiya ako. Pero ang mukha ko talaga parang mataray. Pero mabait ako. Maingay at madalal kapag natiyempuhan mo ang mga interest ko o kaya’y araw na nagpapakilala ang katopakan ko. Palaaway ako, lalong-lalo na kapag alam kong ako ang tama. Pasaway rin. Liberated. Green-minded. Matalino ako, tamad nga lang. Mahiyain sa harapan ng tao kaya hindi ako nag rrecite kahit alam ko ang sagot. Binubulong ko lang. Haha. Pinaka-ayaw ko ang public speaking. Pikonin ako pero ngayon hindi na masyado. Masyado ako mapagmahal sa mga barkada, kaya kadalasan kapag hindi naibabalik ang pagmamahal na ‘yun sakin, na-ddisappoint ako. Masyado rin akong mapagmahal pag dating sa mga lalakeng sinisigaw ng aking hypothalamus. Grabe ako mag-effort na parang ako na ang nanliligaw. Kaya wagas, sagad, tagos din ako mag-drama kapag nabibigo at nasasaktan.
Mahilig ako sa photography kaso di pa ‘ko masyadong magaling. Di kasi ako creative e. Haha. Doon galing ang “strugglingphotographer”. Mahilig akong kumanta, lalong-lalo na sa banyo. Mahilig rin ako magsulat ng kung ano-ano. High school palang ang dami ko ng notebooks na puno ng kung ano-anong salita e. Pero kapag sa exams na kailangan magsulat ng halimbawa essay, hindi na’ko magaling. Pansin ko na nawawala ang motivation ko or inspiration kapag order o utos ang pagsusulat ko. Pero kapag kusa, maraming lumalabas.
Hindi ako na-eexcite kapag nakakakita ng foreigner dito sa Pilipinas. Hindi gaya ng iba na tumitili na, nag-papapicture at nagsasabing gwapo porke maputi. Hahaha. No offense. Hindi naman siya masama. Siguro kasi nagka-boyfriend na ‘kong taga ibang bansa kaya wapakels na ‘ko. Lels.
Hindi ako mahilig sa gwapo. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi ayaw ko ng atensyon ng iba sa kanya. Hindi naman sa gusto ko ang pangit. Haha. Basta ayaw ko lang ng tipong mala-Piolo Pascual ang itsura. Gusto ko yung tamang itsura lang. PINAKA GUSTO ko ang marunong mag-gitara. Kahit ‘di maganda ang boses. Pero kung oo, oh em. Laglag panty. HAHAHA. Gusto ko rin syempre mabait, kaya akong ipaglaban, malambing, marunong magpatawa. Sabi nga sa’kin ng kaibigan ko, imposible na daw ang mga hinahanap ko nasa isang lalake pa. Basta, yun ang gusto ko :)
Malambing ako. Di nga lang pansin minsan. Mas pansin kasi ang pagka-aggressive ko. Iyakin rin ako. Kaso pinipigilan ko na minsan kasi ayaw kong nakikita ako ng kahit sino na malungkot. Mahirap akong pakiligin. Last time akong kinilig sa EX ko na hanggang ngayo’y hinihintay ko pa rin. Mag ddalawang taon na ah.
Hm. Wala na ‘kong ibang maisip. Random na nga lang ang iba e. Hahaha. Matutulog na ata ako.

 
Have you ever heard of the quote “You can never say you stopped loving someone. It’s either you still love them, or you never did.”?
Ang rose na ‘to ay ang pinakaunang bulaklak na ibinigay sa’kin ng isang lalake. The day I got this rose is probably the happiest Valentine’s Day ever. Not because it’s Valentine’s, but because the one who gave it to me is someone special, even though at that time, he didn’t know that.
Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko para sa taong ‘to. Nagka-conflict kasi kami, kaya medyo galit at may pagka-awkward kami sa isa’t isa. Pero at the same time, concerned parin ako sakanya. Pero I guess only as a friend nalang. E diba nga hindi pwedeng sabihin na never mo minahal ang isang tao? Siguro nga hindi ko naman talaga siya minahal. Siguro tama nga ang iniisip ko ngayon na infatuation lang ang lahat ng ‘yon. Admiration lang sa mga characteristics niya. Matalino kasi ‘tong lalakeng ‘to, at SUPER bait. Nanghihinayang nga ako e. Nawalan ako ng isang magandang kaibigan.
Sabi niya sa’kin ‘walang talo-talo sa barkada’. At may natutunan ako diyan. Aaminin ko ngayon, takot na ‘ko ma-inlove sa barkadang lalake. Kaso from the start, ako pala ‘yung tipong hindi nagpapaligaw dahil mas gusto kong nakikilala muna siya bilang isang kaibigan, para walang halong plastikan, di gaya pag nangliligaw. Tunay na ugali niya ang pinapakita sa’yo, hindi ‘yung nagpapaka-sweet para lang makuha ang loob mo. Depende naman kasi talaga yan sa sitwasyon. Yun nga lang, nagkamali ako sa sitwasyon naming dalawa ng lalakeng ‘to. Nagkamali ako ng diskarte. By the way, nandiyan siya sa picture. Ikaw nalang mag work-out kung alin diyan. Haha.

Have you ever heard of the quote “You can never say you stopped loving someone. It’s either you still love them, or you never did.”? Ang rose na ‘to ay ang pinakaunang bulaklak na ibinigay sa’kin ng isang lalake. The day I got this rose is probably the happiest Valentine’s Day ever. Not because it’s Valentine’s, but because the one who gave it to me is someone special, even though at that time, he didn’t know that. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko para sa taong ‘to. Nagka-conflict kasi kami, kaya medyo galit at may pagka-awkward kami sa isa’t isa. Pero at the same time, concerned parin ako sakanya. Pero I guess only as a friend nalang. E diba nga hindi pwedeng sabihin na never mo minahal ang isang tao? Siguro nga hindi ko naman talaga siya minahal. Siguro tama nga ang iniisip ko ngayon na infatuation lang ang lahat ng ‘yon. Admiration lang sa mga characteristics niya. Matalino kasi ‘tong lalakeng ‘to, at SUPER bait. Nanghihinayang nga ako e. Nawalan ako ng isang magandang kaibigan. Sabi niya sa’kin ‘walang talo-talo sa barkada’. At may natutunan ako diyan. Aaminin ko ngayon, takot na ‘ko ma-inlove sa barkadang lalake. Kaso from the start, ako pala ‘yung tipong hindi nagpapaligaw dahil mas gusto kong nakikilala muna siya bilang isang kaibigan, para walang halong plastikan, di gaya pag nangliligaw. Tunay na ugali niya ang pinapakita sa’yo, hindi ‘yung nagpapaka-sweet para lang makuha ang loob mo. Depende naman kasi talaga yan sa sitwasyon. Yun nga lang, nagkamali ako sa sitwasyon naming dalawa ng lalakeng ‘to. Nagkamali ako ng diskarte. By the way, nandiyan siya sa picture. Ikaw nalang mag work-out kung alin diyan. Haha.

 

These are the beautiful, crazy, astig, gorgeous, funny, matatalinong kaibigan na nadampot ko sa mga unang araw ng pagpasok ko sa tinransferan kong college. We were so young. Syea. Kung maka-young parang sobrang tagal na e. First semester lang ‘to. End of second sem palang ngayon. Ang saya saya ko nun. As in. Mga nag-click talaga sa unang araw ng jamming naming lahat. Nagkakakilalahan palang. Enjoy talaga. Lagi na kaming magkakasama. May mga kanya-kanyang tawagan na para sa isa’t isa.

Kaso, faded na ‘to masyado. Hindi ko na ma-explain ang mga nangyari. Hindi na kami ang mga close. May mga naging conflict sa barkadahang ‘to. May nagalit, may nag-away, may nakidagdag, may umiwas, may umalis, may naki-FC, may dumagdag. Hangga’t sa komplikadong komplikado na ang mga impression namin sa isa’t isa. Iba na ngayon. Ibang iba. Iba na ang estado ng bawat isa sa amin rito. Ang estado sa classroom. Grabe ang pinagbago ng barkadahang ‘to sa loob ng dalawang semester. Sumobra nga ata eh. Siguro ganun talaga. Nag-mmature ang mga tao. Nagkakaintindihan ng mga ugali.

Pero kahit ganito ang nangyari, mahal ko pa rin silang lahat. Hindi ko man masyadong napapakita lagi, pero ‘yun talaga. Mahal ko ang naging “Yami” ko na si Shin. Mahal ko ang “anak” ko na si Erika. Mahal ko ang Churu-Chesca ko. Mahal ko ang “ugot” na best friend kong si Julianne. Miss ko na sila.

 

Naka-dalawang taon ako sa pagiging isang College Freshman. Nag-shift kasi ako at nag-transfer. Conflict sa barkada ang isa sa mga rason kung bakit ako lumipat ng eskwelahan.
Aminado ako na kadalasa’y ako ang tipo ng taong hindi mo makakasundo at mahirap pakisamahan. Moody kasi ako at minsa’y bossy. Palaaway. Pero para sa’kin, isa akong tunay na barkada. Ako ang tipong gagawin ang lahat para sa barkada. Ako ang tipong minsa’y  ibinubuhos lahat ng pagmamahal sa barkada. Yun nga lang, hindi ‘yun napapansin ng ibang hindi pa ‘ko masyadong kilala dahil mas napagtutuonan pa nila ng pansin ang pagiging aggressive ko.

Sa unang taon ko sa unang eskwelahan, I can say I’m probably the worst peron you’ll ever meet. Mahirap talaga ako pakisamahan ‘nun. Iba talaga ang ugali ko. Dala ata ng pagka-spoiled. Nagtataka ako noon kung bakit nararamdaman ko na ayaw sa’kin ng mga cinonsider kong barkada. Nung una, umiwas nalang ako. Kaso mahirap mag-isa. Little by little, naintindihan ko. Doon ko natutunang makisabay sa tao. Doon ko natutunang “kapain” ang ugali ng ibang tao. Wag kang mabigla kapag hindi ka nagustuhan ng taong pinakikitaan mo ng kabaitan. Basta, be yourself talaga. Cliché, oo, pero yan ang totoo. Makisama ka lang at ipakita ang magandang side ng tunay mong ugali. May makakasundo ka rin niyan, at diyan ka sasaya. Gets?

Mataray ako pero sobrang mahiyain, lalong-lalo na sa mga unfamiliar na bagay. Kapag magpapa-clearance, takot akong pumasok sa office. Hindi ako magaling makipag-negotiate. Bagsak ang mga recitation ko kasi kahit alam ko ang isasagot ko, mas nauuna ang hiya ko. Yan ang pilit kong baguhin sa pangalawa kong eskwelahan. Itinulak ko ang sarili ko na mag-approach sa mga tao. Hindi pa’ko masyadong magaling pero.. malapit na.

Sa college ko rin natutunan ang pagiging independent. May mga instances diyan na kailangan mo talagang mag-solo. Kagaya sa’kin dati, inaasikaso ko ang mga incomplete na grades ko. Hindi naman pwedeng bumuntot sa’kin ang mga barkada ko. Umiiyak na ‘ko kasi hindi nga ako nun magaling makipag negotiate sa mga tao. Sa pangalawa kong eskwelahan ulit pilit na binago ‘yun. Ya see, natuto rin ako. Gumagala na’ko sa campus ng mag-isa minsan. Hindi naman dahil sa emo ako, kailangan lang talagang masanay na hindi lahat ng oras may kasama ka.

Ang pangalawang eskwelahan na pinasukan ko ay ang eskwelahan na pinaka-ayaw ko dati. Pero… hindi ko alam kung bakit, dito ako natuto maging mabait, makisama, maging humble, maging independent, makipag-socialize, at makisama sa iba’t ibang tao hangga’t sa matutunan kong kailangan ko lang maging ako para makahanap ng tunay na kaibigan. Sa college ko natutunan ang maging haggard talaga dahil sa pag-aaral. Hindi gaya ng high school na SUPER relaxed ako. Marami ang pinapagawa, complicated pa, pero masarap ang vacant time. Iba’t ibang prof na may iba’t ibang ugali. Hindi mo maiiwasan ang mga terror, ang mga boring at ang mga bakla na bias. Mahirap talaga ang unang taon. Pero maraming matututunan. As long as you do your best. Sabi nga ni Mama “Magpakitang gilas ka lang. Sila ang lalapit sa’yo.” Lastly, ang pinaka-best na natutunan ko, WAG NA WAG KANG MAG-AABSENT.